-- Advertisements --

Tinangkilik ng husto ngayon ng mga mamimili ang mga panindang torotot bilang alternatibo sa paputok na paingay sa pagsalubong ng bagong taon. 

Kung saan mabenta na ito sa ilang mga pamilihan ng Libertad sa Lungsod ng Pasay lalo na sa maagang pagdagsa ng mga tao. 

Ibinahagi ng isang tindera na si Evangeline Paradela, inaasahan niyang darami pa ang mga magsisipagpunta dito dahil umaraw na kumpara sa kahapon na inulan sila. 

Ayon naman sa namimiling si Roldan Odal, mas pinili niya na lamang bumili ng torotot kaysa paputok upang maiwasan na rin ang aksidente lalo na sa kanyang mga anak. 

Ikinatuwa din niya at ng isa pang mamimili ng torotot na si Camille Mendoza ang mababang presyo nito na abot kaya ng kanilang bulsa.  

Habang ibinahagi naman ng tinderang si Milagros Atutubo na mananatili ang kanilang presyuhan ng torotot sa mababang presyo hanggang mamaya. 

Makakabili ng torotot sa halagang dalawampung piso para sa maliit at nasa 100 pesos naman para sa mga may malalaking sukat.