Tumanggi ang ilang manlalaro ng womens football team ng Spain na lumahok sa nalalapit na mga laban nila.
Nais kasi nila na tuluyang magkaroon ng pagbabago sa pamunuan ng Royal Spanish Football Federation (RFEF).
Ang nasabing panawagan ay kahit na nagbitiw na ang dating football federation ng Spain na si Luis Rubiales.
Magugunitang umani ng batikos si Rubiales ng halikan ang La Roja football star na si Jennifer Hermoso.
Nangyari ang paghahalik ng magkampeon ang Spain sa FIFA Womens World Cup.
Kahit na umatras ang ilang manlalaro ay tuloy pa rin ang pagharap ng koponan laban sa Sweden sa Setyembre 22 at sa Switzerland sa darating Setyembre 26.