Muling pinagtibay ng US Marine Corps at Philippine Coast Guard ang ugnayan kasabay ng pagbisita ng ilang delegasyon ng US Marine Corps sa Northern Luzon.
Ang mga Coast Guard district na naging bahagi ng delegasyon ay ang Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) sa pangunguna ni Commander Ludivico Librilla Jr. Kasama dito sina CG Cdr Severino B. Destura Jr., Chief ng Information Operation Group ng National Maritime Center, at CG Cdr Paolo Carlo A. Tiongson, Director ng Regional Command Center for Central Luzon and Palawan.
Ilan sa mga layunin ng pagbisita ay ang mas malawak na partnership sa pagitan ng PCG at US Marine Corps, training, at technological advancement.
Ayon sa Phil Coast Guard, ang pagbisita at pakikipag-pulong sa US Marine Corps ay sumasalamin sa kolaborasyon ng dalawa at pagbuo ng mga inisyatibong makakatulong upang mamentene ang regional maritime security sa Indo-Pacific Region at katatagan ng naturang karagatan.
Ito ay panimula umano ng mas maraming kolaborasyon sa pagitan ng PCG at US Marine Corps sa mga susunod na taon.