-- Advertisements --

May ilang senior officials umano ang sangkot sa niluluto na destabilization plot laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni dating Senator Antonio Trillanes IV sa isang pulong balitaan ngayong araw na ginanap sa bahagi ng Mandaluyong City.

Pag-amin ng dating senador, mayroon daw siyang insider na kasalukuyang nasa loob ng mga organisasyon ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police na inamin niyang pinagmumulan umano ng kaniyang mga impormasyon hinggil sa nasabing isyu.

Ayon kay Trillanes, layunin daw ng mga destabilisasyon na ito laban kay Pangulong Marcos Jr. ay ang pagtakpan umano ang ginagawang imbestigasyon ng International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Kaugnay nito ay itinuro rin ng dating senador ang kampo ni Duterte na nasa likod umano ng ouster plot laban kay Marcos Jr. kung saan pinapakay umano nito na patalsikin ang kasalukuyang presidente ng Pilipinas.

Samantala, bukod dito ay sinabi rin ni Trillanes na batay sa kaniyang mga impormasyong nakalap ay nakatakdang umanong ipatupad ng International Criminal Court o ng mga representante nito na ipatupad ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte pagsapit ng buwan ng Hunyo o Hulyo kaugnay pa rin sa kaniya war on drugs campaign nito noong panahon kaniyang administrasyon.