-- Advertisements --

Nanawagan sa pamahalaan ang ilang mga medical expert na palakasin pa ang defense ability ng Chemical, Biological, Nuclear, and Explosive (CBRNE) ng Pilipinas sa gitna ng patuloy na kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sinabi ni dating Philippine General Hospital Director at Health Undersecretary Dr. Juan Ma. Pablo Nañagas na hindi niya alam kung ang Maynila ba ay nagsagawa na ng anumang pagsasanay sa CBRNE defense exercise.

Ibinahagi ito ng dating health secretary matapos nitong sabihin ang potesyal na senaryo na mula sa Russo-Ukrainian War ay kinabibilangan ng pagsalakay ng mga Tsino sa Taiwan, at ang malayong posibilidad ng hidwaan sa pagitan ng Maynila at Beijing.

Sa kanyang pahayag ay inihalimbawa nito ang Partner Readiness and Emergency Program (PREP) ng United States na may sariling sangay ng CBRNE na nagpapayo sa federal at state authorities nito sa public health at medical aspects ng CBRNE prepareness and response.

Binigyang-diin ni Nañagas na mahalaga para sa Maynila na bumuo ng sarali nitong pangkat ng mga subject matter experts na makakapagbigay ng agarang gabay at payo sa kung paano hharapon ang CBRNE incidents.

Tanging ang implementasyon lamang nito ang nakikitang problema nito para sa paghahanda ng Maynila para sa CBNRE defense.

Samantala, sinabi naman ni National Task Force Against COVID-19 adviser Dr. Teodoro “Ted” Herbosa na nagsagawa na ng inisyatiba ang iba’t-ibang sektor ng pamahalaan upang mapabuti pa ang CBNRE defense ng bansa, ngunit sinabi rin nito na sa kabila nito ay nananatiling uncoordinated ang mga ito.