Hindi lahat ng alkalde sa Metro Manila ang nagpatupad ng pagbabawal ng paggamit ng paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Dahil ilan lamang mga local government units ang nagpasa ng local ordinances na nagbabawal ng paggamit ng mga paputok sa pagsalubong ng bagong taon.
Ilan sa mga nagpasa na ng ordinansa ay ang Valenzuela, Marikina, Navotas, Paranaque, Muntinlupa at Quezon City.
Habang sa San Juan ay ipagbabawal ang fireworks display at sa Mandaluyong City ay magiging regulated lamang.
Sa naging kautusan kasi ng Department of Interior and Local Government na dapat magpasa ng mga ordinansa ang bawat local government unit sa pagregulate ng paggamit ng mga paputok.
Samantala hinihintay pa ng PNP ang mga ipinasang ordinansa ng mga LGU bago sila manghuli.
Magugunitang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na sa susunod na taon ay tutuluyan ng ipapasara ang mga pagawaan ng paputok para hindi na sila makapagbenta dahil sa taon-taon ay may mga naitatalang nabibiktima ng paputok.
Nakikiusap rin ang mga pagawaan ng paputok na kung maari ay gumawa sila ng paputok para sa exports dahil sa maraming manggagawa nila ang mawawalan ng trabaho.