-- Advertisements --
image 284

Nakibahagi ang ilang mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng selebrasyon ng huling araw ng Ramadan o and Eid al Fitr.

Ginugunita ito sa ika-10 buwan ng Islamic Calendar.

Ang kalendaryo ng Islam ay nakabatay sa pagpapalit ng buwan kaya iba iba ang araw ng pagdiriwang kada taon.

Samantala, ang pakiki-isa ng ilang mga ahensya ay tanda raw ng pagkakaroon ng demokrasya sa bansa kung saan lahat ng pagkakaiba ay binibigyang lugar sa lipunan.

Matatandaan na nasa halos 6.9 milyon ang kabuoang populasyon ng Muslim sa bansa ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority.

Itong selebrasyon ay sagrado para sa Mulism, sa katunayan sa kanilang pag aayuno ay nagsasagawa sila ng fasting o ang hindi pagkain at ang pagdarasal mula pagsikat hanggang pag lubog ng araw.

Nagsisilbi rin itong reunion para sa mga Muslim, ang ilan ay naghahanda, nagbibigayan ng regalo at nagsusuot ng bagong damit.

Ito rin daw ang kanilang pagpapakita ng pagpapasalamat kay Allah sa lahat ng tagumpay ng reflection at fasting.

Kaugnay pa nito, idineklara ni Pangulong Bong Bong Marcos Jr. na ang holiday ay sa Abril 21 bilang pag diriwang ng huling araw ng Ramadan.