-- Advertisements --

Nais ng mga airline companies na magkaroon ng konsultation sa bagong operator ng Ninoy Aquino International Airport.

Simula kasi ngayong Setyembre 14, 2024 ay pamumunuan na ng NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) ang nasabing paliparan.

Sinabi ni NNIC General Manager Lito Alvarez na maaari silang magkaroon ng terminal reassignments subalit hindi pa ito ngayong taon.

Sa ngayona ay status quo pa ang terminal assignment kung ano ang dating terminal nila ng mga airline companies ay hindi pa babaguhin sa ngayon.

Pinayuhan nito ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline companies kung saan ang terminal ng kanilang flights.