-- Advertisements --

Naghahanda na ang mga iba’t-ibang airline companies sa panahon ng All Saint’s Day at All Souls Day o Undas.

Ayon sa mga iba’t-ibang airline companies na nagdagdag na sila ng bookings.

Inaasahan kasi nila na marami ang uuwi sa nasabing araw dahil sa nataon ito sa weekends.

Pinayuhan din nila ng mga pasahero na dapat ay habaan ang pasensiya dahil sa inaasahang pagdami ng mga pasahero sa nasabing panahon.

Kung maari aniya ay huwag ng makisabay sa araw mismo ng bakasyon para hindi magkaroon ng pakikipagsikisikan pa.

Una rito ay inamin ng Civil Aeronautics Board (CAB) na may ilang airline companies na rin ang naghain ng taas presyo sa kanilang pasahe dahil sa inaasahang pagtaas singil ng bagong private operator ng Ninoy Aquino International Airport.