May mga nakalatag na aktibidad ang isasagawa ng supporters ni dating Senador Benigno Ninoy Aquino para sa kaniyang ika-40 death anniversary ngayong araw.
Ilan sa mga aktibdad ay pagkakaroon ng motorcaded at misa.
Magsisimula ang motorcade sa Baclaran Church Service Road dakong ala-7:30 ng umaga.
Matapos nito ay isasagawa ang misa sa Sto. Domingo Church sa Quezon City.
Pangungunahan ng grupong August 21 movement ang nasabing programa kung saan inaasahan na dadaluhan ito ng mga kaanak at malalapit na kaibigan ng pamilya Aquino.
Nitong araw ng Linggo ay nagtipon-tipon ang mga supporters ng namayapang senador sa Ninoy Aquino Monument sa Paseo de Roxas sa Ayala Ave.
Nakasuot ang mga ito ng kulay dilaw na damit at nagsagawa ng wreath laying ceremony ganun din ay namahagi sila ng mga yellow ribbon.
Magugunitang noong Agosto 21, 1983 na barilin si Aquino pagkalapag ng eroplano na kaniyang sinakyan sa Manila International Airport na kalaunan ay ipinangalanan ito sa kaniya.