-- Advertisements --
Martial law declaration
Martial Law declaration

Nakatakda na ang iba’t ibang aktibidad sa ika-47 anibersaryo ng Martial Law declaration.

Dadaluhan ng ilang mga organisasyon ang malaking kilos protesta na gaganapin sa Luneta Park sa Maynila dakong alas-3:00 ng hapon.

Mula alas-12:00 ng tanghali hanggang ala-1:30 ng hapon ay isasagawa ng Bagong Alyansang Makabayan at Kalipunan ng Damayang Mahihirap.

Pangungunahan naman ng grupo ng kabataan sa pamamagitan ng Samahang Progresibong Kabataan, PUP Speak, Kaisa UP at Bukluran PLM ang pagmartsa mula Luneta sa pamamagitang ng pagdaan sa Ayala Bridge dakong ala-dose ng tanghali.

Sinasabing ipagsisigawan ng nasabing grupo ang ginagawa umanong “red-tagging” at pagsakop ng mga kapulisan sa loob ng mga unibersidad.

Isasagawa naman ang isang concert na tinawag na “Never Forget! Never Again! Remembering Escalante Massacre” sa Green Papaya Art Projects sa Kamuning, Quezon City.

Magtatanghal ang mga banda gaya ng The Greeks, Grrl Cloud, The Building, BLKD, Aly Cabral at maraming iba pa.

Magsasama-sama rin naman ang mga Martial Law survivors at activist sa isang programa na gaganapin sa Bahay ni Maria Chapel sa Quezon City dakong ala-10:00 ng umaga.