-- Advertisements --
Vico Sotto 1
Pasig City Mayor Vico Sotto

Nagpahayag nang suporta ang ilang mga local celebrities kay Pasig City Mayor Vico Sotto dahil sa iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) bunsod umano sa paglabag sa ipinapatupad na enhanced community quarantine.

Ilan sa mga ito ay ang actress na si Angel Locsin, Janine Gutierrez, Angelica Panganiban, Zsa Zsa Padilla, Jodi Sta. Maria, Kim Chiu, Alessandra de Rossi at maraming iba pa.

Sa kanilang mga social media accounts, hindi maiwasan ng ibang mga artista na magalit at magmura sa hakbang na ito ng NBI.

Magugunitang sinubpoena ng NBI si Sotto dahil sa paglabag daw sa batas na Bayanihan to Heal as One Act kung saan inimbitahan ito na magpaliwanag sa opisina sa darating na Abril 7.

Wala namang binanggit ang NBI kung ano ang partikular na nilabag ni Sotto sa bagong batas.

Iginiit ng alkalde na sumunod naman sila sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte.

“We complied with all directives. Hindi po illegal magbigay ng opinyon. Alam kaya nila na March 24 naging batas ang Bayanihan Act,?” ani Sotto.