-- Advertisements --

Nagbigay ng paggalang ang mga celebrities sa industriya sa namayapang beteranong aktres na si Gloria Romero, na noong Sabado, Enero 25, ay pumanaw sa edad na 91.

Ibinahagi ni Barbie Forteza ang isang emosyonal na post sa X (dating Twitter), ang kanyang pagkamahal sa pagkakataong makatrabaho si Romero.

‘This is so heartbreaking, buong buhay ko pong ipagmamalaki na nakatrabaho ko po kayo. Rest in paradise, Ms. Gloria Romero,’ saad ni Barbie.

Nag-alay din ng condolence ang aktres at politiko na si Vilma Santos, habang ang celebrity photographer na si Mark ay nagbigay pugay kay Romero sa pamamagitan ng mga magagandang portrait na kuha niya.

Inilarawan naman ni Direk Mark Reyes, na nakatrabaho ri Romero sa ilang proyekto, aniya si Romero ay bilang simbolo ng isang “movie queen” at isang pribilehiyo na makatrabaho aniya ito. Habang inalala naman ni Charo Santos si Romero bilang isang gabay na ilaw na nag-iwan aniya ng isang walang katapusang pamana.

Nagbahagi rin si Amy Perez ng isang taos-pusong pasasalamat kasama ang yumaong aktres.

‘Tita Glo wasn’t just an icon; she was a guiding light for so many of us. She showed us how to carry success with humility, how to navigate challenges with grace, and how to leave a legacy that transcends time,’ ani Charo Santos sa kaniyang IG post.

‘Mommy, I will miss you. Thank you for everything. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ. Love you forever,’ pahayag ni Amy.

Samantala si Romero ay kilala bilang ‘Queen of Philippine Cinema,’ may isang kahanga-hangang karera na tumagal ng higit sa 70 taon. Nanalo rin siya ng maraming mga parangal sa larangan ng pag-arte at nagkaroon ng mga acclaimed international movies katulad ng “Magnifico,” “Dalagang Ilocana,” “Tanging Yaman,” at “Rainbow’s Sunset.”

Maaalala na ang pagpanaw ni Romero ay kinumpirma ng kanyang anak na si Maritess Gutierrez.