-- Advertisements --

Nanawagan ang ilang mga atleta sa buong mundo dahil sa mabagal na pagdesisyon ng organizer ng Tokyo Olympics kung ipagpapaliban ba ang nasabing torneo.

Ito ay matapos na wala pang naging desisyon ang International Olympic Committee (IOC) sa ginawa nilang pagpupulong sa kahihinatnan ng torneo sa darating na Hulyo.

Tiniyak din ng organizers ang mga kalusugan at kaligtasan ng mga atleta sa torneo.

Isa sa bumatikos ay si British heptathlon world champion Katerina Johnson-Thompson na bumalik sa UK matapos ang pagsasanay sa France.

Sinabi nito na sinusunod nila ang safety training subalit tila walang katiyakan kung matutuloy pa rin ito.

Maging si British middle-distance runner Jess Judd ay nagsabing doble ang pressure na kanilang nararamdaman ngayon.

Ayon naman kay Four-time Olympic gold medalist and IOC member Hayley Wickenheiser na napaka-insensitive at irresponsible ang mga IOC dahil hindi man lamang makapagdesisyon ng maaga.