-- Advertisements --

Binigyang ng pagkilala ng ilang mga atleta mula sa Ukraine ang kanilang mga mamamayan na pinatay ng mga sundalo ng Russia.

Ang mga atleta ay kinilala na sina tennis star Elina Svitolina at Premier League soccer players Oleksandr Zinchenko at Mykhailo Mudry at ang boksingero na si Oleksandr Usyk.

Naglabas sila ng video kasabay ng talumpati ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Kinondina nila ang walang habas na pagpatay ng mga sundalo ng Russia sa mga sibilyan.