-- Advertisements --

Pinangunahan ni Australian tennis star Nick Kyrgios ang pagtulong sa mga bikitma ng malawakang bush fire.

Ayon sa 24-anyos na tennis player, sa kada ace nito sa laro sa Australia ay magbibigay ito ng 200 Australian dollars o katumbas ng halos P8,000.

Maging ang kaniyang kababayan na tennis player na kasali sa torneyo ngayong buwan na sina Alex de Minaur at John Millman ay gagayahin din ang ginawa ni Kyrgios.

Plano din ng Australian crickets team na magsagawa ng fund-raising para sa biktima ng malawakang bush fire.

Magugunitang aabot na sa 16 katao na ang patay sa naganap na malawakang wilidfire sa nasabing bansa.