-- Advertisements --

Dumalo sa ipinatawag na dinner nina Pangulong Rodrigo Duterte at anak nitong si Davao Congressman-elect Paolo Duterte ang ilang mga baguhang congressman na ginanap sa Malago Clubhouse Malacañang.

Ilan sa mg dumalo ay sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang interesado ring tumakbo sa pagka-speaker of the house.

Kabilang din na naimbitahan ay si Roald Cardema na naghain ng substitution para sa kaniyang asawang si Duciella sa Duterte Youth Partylist representative.

Magugunitang ipinahayag ng Pangulo na hindi niya pangungunahan ang mga mambabatas na mamili ng kanilang bagong isusunod na speaker of the house.