-- Advertisements --
ILOILO CITY – Dalawang mga bahay ang partially damaged at tatlo naman ang totally damaged sa pagbuhos ng malakas na ulan at buhawi sa dalawang barangay sa bayan ng Leganes, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Captain John Robles, Chief of Police ng Leganes Municipal Police Station, sinabi nito na ang apat na mga bahay ay naitala sa Cari Minor at isa naman sa Gwa-an.
Ayon kay Robles, umaabot sa mahigit P130,000 ang halaga ng pinsala ng buhawi.
Pansamantala namang nanatili ang mga apektado ng buhawi sa kanilang mga kaanak at hindi na pumunta sa evacuation centers.
Magbibigay naman ng relief at cash assistance ang Local Government Unit sa mga pamilya na apektado ng nasabing kalamidad.