-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang ginagawang assessment ng mga otoridad hinggil sa epekto ng masamang panahon sa Iloilo.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office sa Iloilo, sinabi nito na may mga nasirang bahay matapos hinambalos ng ipo-ipo sa Brgy. Paho, Zarraga, Iloilo.
Maliban dito, halos 70 mga bahay naman ang nasira sa Tigbauan, Iloilo.
Sa bayan naman ng Guimbal, Iloilo, nagsilikas din ang ila mga pamilya matapos nasira ang kanilang mga bahay dahil sa malakas na hangin at ulan.