Ikinatuwa ng ilang bansa ang pagbagsak ng pamumuno ni Syrian President Bashar al-Assad.
Sinabi ni European Commission President Ursula von der Leyen na ang pagbagsak ng madugong pamumuno ni Assad ay magbibigay oportunidad para sa pagbabago ng Syria.
Tutulungan ng Europa ang Syria na magpoprotekta sa mga minorities.
Naninwala naman si United Kingdom Prime Minister Keir Starmer na isang bagong panimula para sa mga mamamayan ng Syria ang pagbagsak ni Assad.
Umaasa naman ito na magkakaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa nasabing bansa.
Sa panig naman ni US President Joe Biden na tinawag nito na nakamit ng mga Syrian ang katarungan sa pagpapatalsik kay Assad.
Tiwala ito na mabibigyan na ng hustisya ang mga biktima ng brutal na pagpatay sa pamumuno ni Assad.
Tiniyak nito ang tulong ng US na ibibgay sa mga taga-Syria.