Inakusahan ng ilang bansa ang Russian cyber hackers na target ang mga organisasyon na gumagawa ng mga bakuna laban sa coronavirus.
Ayon sa United Kingdom National Cyber Security Center (NCSC) na isang grupo ng hackers mula sa Russia ang pinupunterya ang US, UK at Canadian vaccine research and development organization.
Tinukoy nila itong ‘Cozy Bear’ na isa sa dalawang hacking groups na may kaugnayan sa Russian intelligence na pinaniniwalaang may access sa internal systems ng Democratic National Committee noong 2016 US election.
Ang nasabing akusasyon ay suportado ng Canadian Communication Security Establishment (CSE), the U.S. Department for Homeland Security (DHS) Cybersecurity Infrastructure Security Agency (CISA) at National Security Agency (NSA).
Mariing kinondina naman ni National Cyber Security Centre (NCSC) Director of Operation Paul Chichester ang nasabing pang-aatake.
Nagsasagawa na ng mahigpit na pag-aaral ang mga opisyal ng nasabing bansa sa nasabing posibleng cyberattack na ito ng Russia.