-- Advertisements --
Nagkaisa ang mga mataas na opisyal ng Japan, South Korea at US para kondinahin ang patuloy na pagpapalipad ng ballistic missiles ng North Korea.
Pinangunahan ni US Secretary of State Antony Blinken ang pulong sa Honolulu, Hawaii na dinaluhan nina South Korean Foreign Minister Chung Eui-yong at Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa.
Kinondina ng nasabing mga bansa ang pitong insidente ballistic missile.
Ayon sa mga bansa na dapat tigilan na ng North Korea ang naturang aktibidad at sa halip ay magsagawa na lamang sila ng pag-uusap.
Patuloy ang kanilang ginagawang hakbang para tuluyang ma-denuclearized ang nasabing bansa.