Magdadala ng sariling portable air-condition units ang US para sa mga atleta nilang lalahok sa Paris Olympics.
Kasunod ito sa anunsiyo ng organizers ng Paris Olympics na hindi sila maglalagay ng air-condition units sa Olympic Village para mabawasan ang local emissions at ang greenhouse gas emission.
Sinabi ni U.S. Olympic and Paralympic Committee chief executive officer Sarah Hirshland na kanilang nirerespeto ang hakbang na ito ng Paris Organizing Committee subalit ang pagdadala ng sariling air con unit ay makakatulong sa kanilang atleta.
Mahalaga sa kanila ang kalagayan ng kanilang atleta kung saan marapat na maging maganda ang kanilang performance sa torneo.
Noong huling naghost ang Paris sa taong 1924 ay hindi pa gaanong mainit ang panahon kumpara sa panahon ngayon na asahan ang mainit na panahon isang buwan bago ang pagsisimula ng Olympics.
Bukod sa US ay ilang bansa na rin ang magdadala ng portable airconditioning unit para sa kanilang atleta gaya ng Canada, Australia, Denmark, Great Britain, Greece at Italy.