-- Advertisements --
Inanunsiyo ng mga defense ministers mula sa 10 bansa ang pagsasagawa nila ng Baltic Sea.
Isinagawa ito bilang pagkondina sa hakbang ng Russia laban sa Ukraine.
Ayon sa Joint Expeditionary Force (JEF) na isasagawa nila ang nasbing exercise bilang bahagi ng ‘freedom of movement’ sa mga strategic zone.
Bahagi rin ito sa pagtitiyak para sa seguridad at stability sa rehiyon.
Ang JEF ay itinaguyod noong 2012 na binubuo ng mga NATO members gaya ng Denmark, Estonia, Iceland, Latvia, Lithuania, the Netherlands, Norway, and the United Kingdom, and non-members Finland at Sweden.
Nakatuon ito sa pagbibigay ng seguridad sa Arctic, North Atlantic at sa Baltic Sea.