Sumabay ang ibang bansa sa pagsasagawa kilos protesta sa Thailand.
Pinangunahan ng bansang Denmark, Sweden, France, US, Canada at Taiwan ang nagsagawa ng solidarity protest bilang pagpapakita ng pakikisimpatiya sa mga taga-Thailands.
Hindi kasi inalintana ng ilang daang anti-government protesters ang pagbabawal ng gobyerno ng pagsasagawa ng kilos protesta laban kay Prime Minister Prayuth Chan-ocha.
Dahil sa nangyaring kilos protesta ay natigil ang operasyon ng metro rail system.
Ilan sa mga protesters ang nagsabi na hindi sila magsasawa na magsagawa ng kilos protesta hanggang hindi napagbibigyan ang kanilang kahilingan.
Nitong linggo lamang ay isinagawa ang kilos protesta sa Victory Monument.
Magugunitang hinihiling ng mga protesters ang pagtanggal ng kontrol ng monarchy sa kanilang gobyerno at ang pagpapalaya sa mga naarestong protesters.
Bantay sarado naman ng mga kapulisan ang lugar at hindi naman na sila nagsagawa ng marahas na pagpapalayas sa mga protesters.