-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang mga bansa na pumayag na maglagay ng kanilang sundalo sa Eastern European NATO countries bago pa man ang potensiyal na pagsalakay ng Russia sa Ukraine.
Ilan sa mga dito ay ang Romania, Bulgaria at Hungary na maglalagay ng tig-1,000 mga sundalo sa Baltic states at Poland.
Nauna ng sinabi ng US na mayroong naka-alerto na sila na 8,500 sundalo habang ang United Kingdom ay nakahanda na rin na magtalaga ng mga sundalo.
Samantala nanawagan si NATO Secretary General Jens Stoltenberg sa Russia na tanggalin ang mga sundalo nito na nakatalaga sa Ukraine at ilang border nito.
Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan din nila sa Ukraine habang handa rin sila na makipag-usap sa Russia.