Hindi naiwasan ng ibang mga world leaders na sisihin si US President Joe Biden at ang bansang Amerika dahil sa nagaganap na kaguluhan sa Afghanistan.
Sinabi ni British Prime Minister Boris Johnson na naging mabilis ang lahat ng mga pangyayari mula ng magdesisyon ang US na tanggalin ang kanilang mga sundalo mula sa Afghanistan.
Nararapat aniya na magsama-sama ang mga Western countries para mapigilan ang pangingibabaw ng Taliban.
Labis naman na nalungkot si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa nagaganap na krisis sa nasabing bansa.
Patuloy naman daw ang kanilang pagbabantay sa mga kaganapan sa Afghanistan.
Nakatakdang doblehin ni Australian Prime Minister ang Scott Morrison ang kanilang ginagawang hakbang para tuluyang mailikas ang kanilang mamamayan na naiipit sa Afghanistan.