-- Advertisements --
Aabot sa 50 na bansa ang nakipag-ugnayan kay US President Donald Trump para simulan ang usaping pangkalakalan.
Ayon kay US National Economic Council Director Kevin Hassett , na ang nasabing hakbang ay matapos na magpatupad si Trump ng taripa sa mga bansa.
Itinanggi rin ni Hassett na estratehiya ni Trump ang pagpataw ng taripa para masira ang financial markets at ma-pressure ang US Federal Reserve na bawasan ang interest rates.
Magugunitang maraming mga bansa rin ang gumanti at nagpataw ng mataas na buwis laban sa US.