-- Advertisements --

Nagsama-sama ang ilbang mga bansa para tulungan ang India sa kakulangan nila ng oxygen para sa mga pasyente ng COVID-19.

Nagpadala ang United Kingdom ng mga ventilators at oxygen concentrator devices.

Habang ang US ay nagpadala ng mga raw materials para sa COVID-19 vaccines, medical equipment at protective gear para mapabilis ang pagtugon ng India sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Inaprubahan ng gobyerno ng India ang plano na gumawa ng 500 oxygen generation plants sa buong bansa para mapalawak ang supplies.

Pinayuhan din ng gobyerno ng India ang mga residente ng matinding pag-iingat para hindi na kumalat pa ang virus.