-- Advertisements --

Dinis-qualified ni Office of the Bar Chairperson at kanilang Honor Code na si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang ilang mga Bar examinees dahil sa paglabag ng ilang polisiya.

Ilan sa mga dito ay ang hindi pagsabi ng katotohanan na sila ay nagpositibo sa COVID-19, pagpuslit ng mga cellphones sa examination rooms at ang pag-access ng social media kapag lunch break sa pagsusulit.

Hindi naman nito binanggit kung ilang mga examinees ang kaniyang dinis-qualify.

Paliwanag pa ni Leonen na bilang Bar Chairperson ay may karapatan itong i-disqualify ang mga ito.