DAVAO CITY – Ngayon pa lang ay pinaalalahanan na ang ilang mga Barangay sa lungsod na manatiling alerto sa posibleng epekto ng Tropical Storm Rai nga nakaapekto sa Caraga at Davao Region.
Bago paman ang nakatakdang pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (AOR) ng Bagyo na papangalanang Odette, nanawagan ang City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMO) sa mga residente na naninirahan malapit sa Davao river at sa coastal areas ng siyudad na agad lumikas kung may mararanasan na mga pagbaha.
Sinabi rin ng ahensiya na hinahanda na ngayon ang mga evacuation center at response teams na tutulong kung sakaling makakaranas ng mga pagbaha ang ilang mga lugar sa siyudad.
Una ng inihayag ni Hanna Salvador, Pag-asa weather forecaster na aasahan na uulanin ang lungsod lalo na at posibleng aabot sa Typhoon category ang Bagyo dahil sa lakas nito.