Nakatakdang magharap-harap ang anim na basketball team ngayong araw (July 30) sa nagpapatuloy na Paris Olympics 2024.
Kinabibilangan ito ng Spain vs Greece, Canada vs Australia, at Japan vs France.
Ilan sa mga naturang team ay itinuturing na powerhouse team sa buong mundo kabilang na ang Canada, Australia at Greece na pawang pinangungunahan ng mga NBA stars.
Ang Spain vs Greece ay nakatakda mamayang 5:PM; ang Canada vs Australia ay nakatakda mamayang 7:30PM, habang ang Japan vs France ay nakatakda mamayang 11:15PM, pawang mga oras sa Pilipinas.
Ang Australia at Canada ay kapwa nagbulsa na ng tig-isang panalo habang ang Greece at Spain ay kapwa nag-uwi ng tig-isang pagkatalo sa mga nauna nilang laban.
Ang apat na team at pawang nasa ilalim ng Group A at pawang dumaan na sa kanilang unang mga laban.
Samantala, ang Japan ay mayroon nang isang pagkatalo habang nananatiling malinis ang isang panalo ng France na kapwa nasa ilalim naman ng Group B.
Ilan sa mga NBA stars na magiging bahagi ng tatlong game ngayong araw ay sina Giannis Antetokounmpo ng Greece, Shai Gilgeous Alexander ng Canada, Rudy Gobert at Victor Wembanyama ng France, Patty Mills ng Australia, Rui Hachimura ng Japan, at ang bigman na si Juancho Hernangomez ng Spain.