-- Advertisements --
DAGUPAN CITY- Tinamaan ng hand Foot and Mouth Disease ang ilang bata dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa Provincial Health Office, Hand foot and Mouth disease ang sakit na madalas tumatama sa mga bata dahil ito sa maruming katawan, napakaimportante na malinis ang mga kamay at daliri dahil madalas itong isinusubo.
Dito ay nagkakaroon ng paltos sa bibig, dila at pisngi ng mga bata. Maiiwasan naman daw ito sa palagiang paglilinis ng katawan at kapaligiran.
Naipapasa rin ang sakit sa pamamagitan ng halik, handshaking o pagdikit sa mga may sakit nito.