Posibleng pipili na ang USA Basketball ng susunod na head coach kapalit ni Golden State Warriors head coach Steve Kerr, para sa 2028 Los Angeles Olympics.
Maaaring ang 2024 Olympics na kasi ang huling coaching job ni Kerr kasama ang Team USA, batay na rin sa una niyang naging pahayag.
Ayon sa mga basketball analyst sa NBA, maaaring pagpipilian ng USA Basketball sina Miami Heat head coach Erik Spoelstra at Los Angeles Clippers head coach Tyronn Lue na papalit kay Kerr.
Sina Spoelstra at Lue ay kapwa nagsilbing assistant coach sa ilalim ni Kerr sa nakalipas na Paris Olympics.
Bago nito ay nagawa na ni Coach Spo na manalo ng dalawang championship kasama ang Heat. Nagawa din niyang pangunahan ang Heat papasok sa anim na Finals appearance.
Sa panig ni Lue, nagawa na niyang dalhin ang Cleveland Cavaliers sa tatlong NBA Finals, isa rito ay naipanalo.
Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na pahayag si Steve Kerr ukol dito.
Si Kerr ay nagsilbing assitant coach ng Team USA mula 2017 hanggang 2021 hanggang sa naging head coach ng USA Basketball Men’s National Team noong.
Maliban sa kamakailang gold performance sa Paris Olympics, nagawa din niyang dalhin ang Golden State Warriors sa limang magkakasunod na Finals appearance mula 2015 hanggang 2019, at muling pumasok at nanalo noong 2022.
Sa kanyang karera bilang professional basketball player, nagawa niyang mag-uwi ng limang championship rings.