-- Advertisements --
image 306

Kumalat sa Los Angeles River ang halos 250,000 gallons ng sewage spill na naging dahil ng pagsasara ng ilang mga beaches sa malalapit na lugar doon.

Ang sewage spill ay sanhi ng pagkasira ng ilang equipment na ginagamit ng sanitation maintenance crew doon.

Dahil sa pagmalfunction nito, nagresulta ito sa pag apaw ng sewage sa lungsod ng Downey, 15 milya ang layo mula sa Long Beach kaya umabot ito sa Los Angeles River maging sa ilang bahagi ng mga kalsada.

Kaya naman nag anunsyo ng pansamantalang pagsasara mga coastal swimming areas hanggang sa maabot muli ang water quality requirement.

“Water from the Los Angeles River connects to the Pacific Ocean in Long Beach, which means pollution anywhere upriver can affect the coastal waters of the City,” ayon sa pamunuan lungsod ng Long Beach.

Samantala, natapos na ang unang bahagi ng paglilinis noong Biyernes ngunit hindi pa malinaw kung magbubukas na ba ang mga beaches.

Sa ngayon ay minomonitor pa ng Health authorities ang kalidad ng tubig sa mga malalapit na paliguan.