-- Advertisements --

Kasunod ng pagtatapos ng NBA Finals at tuluyang pagpasok ng offseason, lumulutang na ang ilang bigating mga pangalan na posibleng maging trade candidate.

Kabilang sa mga mga ito ay ang mga NBA players na nagsisilbing star sa kani-kanilang koponan.

Kinabibilangan ito nina Jimmy Butler ng Miami Heat, Trae Young ng Atlanta Hawks, Darius Garland ng Cavaliers, Brandon Ingram ng Pelicans, at Dejounte Murray, Atlanta Hawks

Ayon sa ilang mga NBA analysts, maaari ding maging paksa ng trade ang bigman ng Minnesota Timberwolvs na si Karl-Anthony Towns, shooter ng Nuggets na si Michael Porter Jr., Cavalliers star Donovan Mitchell, Nets ironman Mikal Bridges, at Cavs center Jarrett Allen.

Ayon sa mga analysts, bagaman katatapos pa lamang ng Finals ay may mga paggalaw na sa bawat team.

Samantala, magsisimula ang free agency para sa mga players sa Hulyo-6, 2024(US time) kung saan maaari nang makapasok ang mga free agents sa mga team na kanilang gugustuhin at gugusto sa kanila.

Opisyal na ring magsisimula sa araw na ito ang NBA trade

Magsisimula naman ang NBA 2024-2025 regular season sa Oct 22(US time).