-- Advertisements --
Nakatakdang magtaas ang presyo ng ilang pangunahing bilihin ng bansa.
Simula sa Pebrero 1 ay nakatakdang magtaas ng mula P0.30 hanggang P1.25 ang isang lata ng sardinas habang ang isang lata ng condensed milk ay magtataas ng mula P2.25 hanggang P3.75 at P1.75 hanggang P2.25 ang isang lata ng evaporated milk.
Nauna rin inanunsiyo na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtaas sa presyo ng Pinoy Tasty na mayroong P3.50 ang initass na ngayon ay P38.50 mula sa dating P35.00 at ang Pinoy pandesal na mula sa dating P21.50 ay naging P23.50 na.
Inaasahan naman na babalik din ang normal na presyo ang mga isda at ilang karne ng baboy at baka.