-- Advertisements --

Nagsama ang ilang mga black celebrities para tulungan ang mga kapwa nila na naapektuhan ng coronavirus pandemic.

Pinangunahan ito ng singer na si Kelly Rowland, actress Halle Berry at Anthony Anderson.

Bahagi ang mga ito sa television special na “Saving Our Selves: A BET COVID-19 Relief Effort,”.

Si Rowland ay founding member ng girl group na Destiny’s Child ay siyang magiging host ng event kasama nina Regina Hall at Terrence J.

Ilan sa mga napiling magtatanghal ay sina Chance the Rapper, DJ Khaled, Charlie Wilson at Fantasia.