-- Advertisements --

Nadiskubre ng mga scientist sa Zimbabwe ang mga bakas ng pinakamatandang dinosaur sa Africa.

Ang Mbiresaurus raathi na may taas na isang metro ay nabuhay ng 230 milyon taon na ang nakakalipas.

Isang uri ng sauropodomorph na kalahi ng sauropod ang dinosaur na naglalakad ng dalawang paa at mahabang leeg at matalas na ngipin.

Ang nasabing skeleton ay natagpuan sa dalawang expedition oong 2018 at 2019 sa Zambezi Valley.

Ayon kay Darlington Munyikwa, deputy director of National Museums and Monuments ng Zimbabwe na kasama rin sa expedition ay alam ng mga mamamayan ng Zimbabwe na mayroog mga buto at bakas ng dinosaurs sa kanilang bansa.

May mga ibang mga lugar din aniya na kanilang huhukayin para sa paghahanap ng ibang mga buto ng dinosaurs.