-- Advertisements --

Umapela ang ilang mga arsobispo sa mga mananampalatayang katoliko na suportahan ang programa ng simbahan na ‘Alay Kapwa’ na nagbibigay tulong sa mga mahihirap at mga nangangailangan.

Marami sa mga arsobispo na nagpakita ng kanilang suporta ay mula sa iba’t-ibang mga probinsya na kinabibilangan ng mga sumusunod:

Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Bangued Bishop Leopoldo Jaucian, Novaliches Bishop Roberto Gaa, Digos Bishop Guillermo Afable, Daet Bishop Rex Andrew Alarcon and San Carlos Bishop Gerardo Alminaza.

Batay sa mensaheng inilabas ng social arm ng Simbahan na Caritas Philippines, hinihimok nito ang mga deboto at mananampalataya na magbigay sa kapwa ng kahit anong halaga.

Ang naturang tulong anila, ay magsisilbing biyaya na para sa iba, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Unang inilunsad ang ‘Alay Kapwa’ ng Caritas Philippines para masuportahan ang mga naghihikahos sa buhay.

Ito ay nagsimula bilang isang Lenten fund drive ngunit buong taon na itong inilulunsad ng simbahan, sa pag-asang makakakuha ng hanggang P500 million kada-taon para mapondohan ang mga humanitarian at social project ng simbahan.

Kabilang sa mga programang target na matutukan sa ilalim nito ang ang mga epekto ng kalamidad, kalusugan, edukasyon, at maging ang livelihood ng publiko, atbpa.