Kanya kanyang pagtitipid sa kuryente ang ilang mga consumer ngayong papalapit nanaman ang summer season.
Ang ilan, imbis na igugol sa bahay ang oras, ay pumupunta nalang sa labas nang sa gayon ay hindi na gumamit pa ng kuryente sa bahay.
Para kay Jose Talia, kung hindi naman raw kinakailangan talaga ay patayin nalang ang ilaw o kaya naman ang electricfan.
Kalimitang nagsisimula ang tag init sa bansa tuwing Abril at sa buwang ito ay talagang in demand ang kuryente.
Halos buong araw ang pag gamit ng electricfan, aircon at iba pang appliances.
Kung minsan naman ay extra ang hinahanap na malalamig na pagkain o inumin.
Ayon pa ni Jose Talia, ang pag exercise ang madalas niyang ginagawa tuwing summer season dahil hindi raw talaga kaya ang sobrang init sa loob ng bahay.
Matatandaan na nagpaalala ang Department of Energy na kung maaari ay tipirin ang pag gamit ng kuryente sa darating na tag init.
Ito ay upang maging sapat ang supply at hindi na tumaas pa ang singil kada buwan.