Maraming mga konsumer ang apektado ng pagbabawas ng supply ng tubig simula kahapon hanggang sa mga susunod na araw bunsod na rin ng pagiging in demand nito.
Ang paglimita sa supply ng tubig ay paraan raw upang matipid ang natitirang imbak na tubig at bilang paghahanda na rin na posibleng mangyaring El Niño ngayong taon.
Sa ngayon ay ramdam na ramdam na ang tag init at ang tubig ang pinakakinakailangan ng mga tao.
Nasa mahigit 200 na barangay sa Maynila ang apektado sa water interruption na pinaiiral ngayon ng Maynilad.
Ayon kay Risa Jean Orsaga, malaki raw ang epekto ng pagbabawas ng supply lalong lalo na sa kanilang pagtatrabaho.
Minsan raw ay putol putol ang supply ng tubig at kung minsan ay wala talaga na nagiging dahilan ng pagka delay ng kanilang pagpasok sa trabaho.
Para naman kay kay Floyd Gonzales, mahirap raw talaga kapag limitado ang supply ng tubig.
Dagdag pa niya, sana raw sa gagawing water interruption ay hindi sobrang haba ng oras dahil abala ito sa kanila.
Ang water interruption na ito ay hindi pa alam kung hanggang kailan magtatagal dahil nakadepende ito sa water volume at sa ulan na babagsak.
Patuloy naman ang ginagawang hakbang ng supplier ng tubig tulad ng reactivation of deep wells at commissioning of modular treatment plants, ngunit ito raw ay panandaliang solusyon lamang.
Samantala, pinapaalalahan parin ang mga consumer na hanggat maaari ay mag imbak ng mag imbak ng tubig.