Nagreklamo sa kapulisan ang ilang kababaihan na lumahok sa Miss Univers Indonesia dahil sa nakaranas sila ng sexual harassment.
Ayon sa reklamo ng pitong finalist ng pageant na ginanap sa Jakarat mula Hulyo 29 hanggang Agosto 3 na sila ay pinaghubad para umano sa body checks.
Nangyari umano ito dalawang araw bago ang coronation ceremony.
Depensa naman ng opisyal ng organizers ng Miss Universe sa Indonesia na si PT Capella Swastika Karya, na kaya nila ginawa iyon ay para masuri kung mayroon silang mga peklat, cellulite o tattoos sa katawan ng mga contestants.
Giit naman ng kanilang abogado ng mga biktima na wala umano sa usapin ang nasabing pagpapahubad.
Dagdag pa nito na 30 sa mga contestants ang pinaghubad kung saan lima sa kanila ang kinuhanan pa ng mga larawan.
Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang nasabing alegasyon.