-- Advertisements --

Iloilo – Bahagi ng 119 na mga couple ang ilang myembro ng indigenous people o mga ati na ikinasal rin sa araw ng Valentine’s Day sa mahabang tulay ng Guimbal, Iloilo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimbal, Iloilo Mayor Jennifer Garin Colada, sinabi nito na masaya sila na ikinasal ang mga couple sa araw mismo ng mga puso.

Anya memorable at historic ito dahil ‘first time’ na sa tulay idinaos ang mass civil wedding para sa mga residente ng Guimbal, Iloilo.

Emosyal naman ang ilang IPs dahil ‘dream come true’ para sa kanila ang maikasal at labis ang kanilang pasasalamat sa local government unit ng Guimbal.