-- Advertisements --

Ibinunyag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong dalawang bangko mula sa bansa ang nagpahayag ng interest na makasali sa digital banking ng bansa.

Ayon kay central bank Deputy Governor Chuchi Fonacier , na bukod sa mga dayuhan na bangko ay mayroong pang lokal na bangko ang nais na maging unang Islamic digital bank.

Hinihintay pa lamang nila ang dalawang bangko na magsumite ng kanilang mga aplikasyon.

Isa sa mga tinukoy nito ay ang pangunahing bangko sa bansang Malaysia.

Magugunitang isinusulong ng BSP ang digital banking para sa mabilis na transaksyon sa mga mamamayan.