-- Advertisements --
NAGA CITY – Ilang mga deboto ang hinimatay at nasugatan sa gitna ng mainit na panahon kasabay ng Traslacion Procession sa lungsod ng Naga.
Nabatid na karamihan sa mga ito ang mga kabataan na agad namang nirespondehan ng rescue team at isinugod sa ospital.
Pasado alas 12:00 ng tanghali nang magsimulang umusad ang Traslacion Procession.
Alas 3:00 nitong Biyerne ng hapon nang ilabas sa Peñafrancia Shrine ang imahe ni Nuestra Señora de Peñafrancia at dahan dahang umusad patungong Metropolitan Cathedral.
Sa kabila nito, mahigpit naman ang ginawang pagbabantay ng iba’t ibang law enforcement agency at mga force multipliers para matiyak ang seguridad ng libo-libong mga deboto na sumabay sa naturang prusisyon.