-- Advertisements --
Binatikos ng ilang Democrats ang ginawang pakikipagpulong ni US President Donald Trump kay North Korean leader Kim Jong-un.
Tinawag na walang kuwenta at isang hakbang daw ito ng mga diktador.
Sinabi ni US Senator Elizabeth Warren na dapat huwag makipagkaibigan si Trump sa isang diktador.
Tinawag na lamang nina Senator Bernie Sanders at Kamala Harris ang nasabing pakikipagpulong ni Trump na isang “photo-op” lamang.
Magugunitang nagtungo mismo si Trump sa Demilitarized Zone at umapak pa sa North Korea para makipagpulong kay Kim Jong-un.
Sina Warren, Sanders at Harris ay pawang mga presidential candidates na nag-aambisyong labanan si Trump sa 2020 elections.