-- Advertisements --

Inalala ng mga movie director sa bansa ang unang anibersaryo ng pagkakaaksidente ng pumanaw na actor na si Eddie Garcia.

Magugunitang noong Hunyo 8, 2019 ng matumba ang 90-anyos na actor sa shooting ng isang teleserye nito.

Dinala ito una sa Mary Johnson Hospital sa Tondo bago inilipat sa Makati Medical Center kung saan noong Hunyo 20 ay pumanaw na ito.

Sinabi ng director na si Joel Lamangan na isang malaking kawalan sa industriya ang pagpanaw ng actor.

Ilan kasi sa mga pelikula na ginawa ni Lamangan na pinagbidahan ng actor ay ang “Bakit May Kahapon Pa?” , “Deathrow” , “Blue Moon” , “Rainbow’s Sunset” , “Mano Po” at “Mano Po III: My Love”.

Umaasa naman ang director na si Benedict Mique na gawaran na ng National Artist ang actor.