BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Butuan City administrator Reynante Desiata na may iilang mga doktor at nurses ng Butuan Medical Center na ang nag-resign at nagretiro na kasabay sa mga balitang pito sa 11 mga doktor at 32 mga nurses ang nang-resign na.
Ito’y bilang paglilinaw sa mga lumabas na isyung may kaugnayan sa pagbulsa umano ng pondo sa nasabing ospital sa ilalim ng kasalukuyang city administration.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, hindi inihayag ni Desiata kung iilan sa mga doktor at nurses na wala na sa nasabing ospital maliban sa pag-aming nagretiro na ang iba dahil nasa na edad na na 64 at 65-anyos habang ang iba ay nag-resign dahil sa conflict ng kanilang eskedyol sa ibang ospital at ang iba naman ay mayroong mga comorbidies na delikado sa kanila sakaling matamaan ng coronavirus.
Ito ay matapos magpalabas ng bagong eskedyol ang city government kung saan mas mataas na oras ang itatagal ng mga na-assign sa mga COVID-19 facility.
Kaugnay nito ay nagpapatuloy ang kanilang hiring ng mga doktor at nurses sabay paglilinaw na hindi naparalisa ng mga nag-resign ang operasyon ng Butuan Medical Center sa pangunguna ni Mayor Lagnada lalo na’t sapat pa ang bilang ng mga doktor at nurses dahil sa pwersang ini-augment ng Department of Health (DOH).