-- Advertisements --
Nakabalik na sa normal na operasyon ang halos 80% ng mga electric cooperative na nakaranas ng problema sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Enteng.
Batay sa report ng National Electrification Administration(NEA), 70 mula sa 91 munisipalidad na nakapagtala ng epekto ng bagyo ay balik-normal operasyon na.
Bumaba na rin sa kabuuang 21,213 consumer connection ang naapektuhan mula sa dating mahigit 50,000.
Hanggang kaninang 11AM(Sept 4), anim na probinsya pa ang nakapagtala ng mga problema sa power supply.
Ito ay mula sa tatlong mga rehiyon.